Nasa 2,400 senior citizens ng lungsod ang nakatanggap ng tig-dalawang libo (Php 2,000) sa SM Trade Hall.

Alinsunod sa Ordinance 44 Series of 2021 ng lungsod, pinangunahan ni City Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao ang opisyal na pamimigay ng birthday gift para sa mga elderlies na nagdiwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Mayo.
Ang releasing ng birthday gift para sa mga senior citizens ay programa ng Office of the Senior Citizen's Affairs (OSCA) na pinamunuan ni OSCA President Josephine Mendoza at sa tulong na rin ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na pinamunuan ng kanilang Department Head na si Genelene Vidanes, RSW.
Sa mensahe ni Mayor Pacquiao ay kanyang pinasalamatan ang mga elderlies at binati rin ng alkalde ang mga elderlies sa kanilang pagdiriwang ng kaarawan ngayon buwan.
Ipinaalam niya rin na sa susunod na buwan ay nakatakdang ipamahagi ang kabuuang local pension ng mga senior citizens simula Enero hanggang Hunyo nitong taon.
27 elderlies naman ang nakatanggap ng tig-1,000 pesos mula kay Mayor Pacquiao bilang regalo ng alkalde sa pagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong araw, May 26.
Noon pa man ay ang kapakanan na ng mga elderlies ang laging pinapahalagahan ng alkalde. Isa ito sa kanyang mga prayoridad na mabigyan ng mga programang mas makakatulong pa sa kanila.
Laking pasasalamat naman ng mga elderlies sa OSCA, CSWDO at lalung-lalo na kay City Mayor Pacquiao sa kanilang natanggap na biyaya mula sa lokal na pamahalaan.
Photos: Denn Jib Seblos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *