" Lingap Galing sa Puso" ( LGP) para sa mga tribung B'laan isinagawa sa Barangay Batomelong at Barangay Tinagacan

GENERAL SANTOS CITY, Philippines — Kasama ang mga programa ng ating Local Government Unit.masayang naihatid sa kanila ang iba't-ibang serbisyo gaya ng serbisyong medical na kung saan ay nagsagawa ng free check-up, dental services at X-Ray with AI para sa detection sa sakit na Tuberculosis ( TB) katuwang ang City Health Office.
Namahagi din ng mga vegetable seeds, libreng konsultasyon din sa kanilang mga pananim kasama ang City Agriculturist's Office. Namahagi din ng mga gamot sa kanilang mga alagang hayop ma livestocks man yan o poultry.
Nagkaroon ng libreng rabies vaccination ang City Veterinarian's Office. Nagsagawa naman ng libreng seminar ang City Population and Management Office tungkol sa Reproductive Health, Family Planning, Responsible Parenthood at Adolescent Sexual Reproductive Health.
Bilang tulong-gabay sa ating mga minamahal na mga tribu, nagsagawa din ang City Administrators Office ng livelihood Program para sa kanilang B'laan Beadworks.
Kasama din sa pag-iikot sa mga Barangay si Kagawad "Doc" Odjok Acharon, City Administrator Shandee Lldo Pestaño at mga Tribal Chieftains.
Umaasa si Mayor Pacquiao na sa programang ito, mas maparamdam natin sa mga tribu ang totoong "Serbisyong Tatak Pacquiao", ay para sa lahat ng mga Generals!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *