Mayor Lorelie Geronimo dumalo sa isinagawang Launching ng Barangay Budget sa Barangay Labangal Gymnasium, nitong lungsod.

GENERAL SANTOS CITY, Philippines — Ang kaganapan ay pinangasiwaan ng City Budget Office (CBO) ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ng kanilang Department Head na si Mr. John Philip Quimosing.

Ito ay dinaluhan ng mga Barangay Officials mula sa iba't-ibang barangay sa lungsod para sila ay magabayan sa pag proseso ng kanilang budget, ipaalam ang mga concerns sa kanilang barangay hinggil sa budget preparation, at magbigay ng mga suhestiyon sa mga programang maaring ipatupad sa bawat barangay.
Bago magsimula ang programa ay nakihalubilo na si Mayor Pacquiao sa mga barangay officials na naroon at sa kanyang mensahe ay pinasalamatan niya ang nangasiwa ng programa sa pagpili sa Barangay Labangal bilang venue ng kanilang event.
Naroon din si City Councilor Atty. Jose Edmar Yumang, ang Chairperson ng Committee on Finance.
Photos: Denn Jib Seblos

Follow me!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *