TINGNAN | Mainit na binati ng publiko ang pagbabalik ni Lyka Estrella, Tawag ng Tanghalan Season 6 Grand Champion sa General Santos City

GENERAL SANTOS CITY, Philippines — Pagpasok pa lamang nito ay hindi magkamayaw ang publiko dahil sa sobrang galak at tuwa pagkakita sa TNT Grand Champion.

Mangiyak-ngiyak namang nagpasalamat si Lyka sa umaapaw na suportang ipinakita ng kanyang mga kababayan para sa kanya.
Lubos rin ang kanyang pasasalamat kay Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao dahil sa napakalaking tulong ng alkalde sa kanya noong kompetisyon. Isa umano ito sa naging daan patungo sa pagkamit niya ng tagumpay bilang TNT Grand Champion.
Kinantahan naman ni Lyka ng awiting "Patuloy ang Pangarap" ang mga Generals na paboritong kanta rin ni Mayor Pacquiao bilang pasasalamat sa mainit na pagbati sa kanyang pagkakapanalo.
Galak na galak na binati ni Mayor Pacquiao si Lyka sa kanyang pagkakapanalo dahil talagang pinatunayan niya na ang General Santos City ay Home of the Champions.
Nagbigay din si Mayor Pacquiao ng 50,000 pesos para kay Lyka na mula pa sa kanyang sariling bulsa bilang pabuya sa pagdadala nito ng karangalan sa lungsod ng General Santos.
Photos: Denn Jib Seblos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *