TINGNAN | Dumalo si Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao sa Serbisyong Heneral na ginanap sa Barangay Baluan

Layunin ng Serbisyong Heneral na dalhin ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan sa komunidad. Ito ay pinangasiwaan ng City Mayor's Office - Integrated Barangay Affairs (CMO-IBA) na pinangunahan ni Mr. Leonardo Betonio Division Chief ng CMO-IBA.
Magiliw na nakihalubilo ang alkalde sa mga residente ng Brgy. Baluan at namahagi ng bigas sa mga senior citizens at bags na may kasama ng school supplies para sa mga bata.
Sa Mayor's Hour ay nagkaroon ng pagkakataon si Mayor Pacquiao na mapakinggan ang hinaing ng mga Purok Chairperson upang mabigyan ito ng agarang aksyon.
Agaran namang tinugunan ni Mayor Pacquiao ang concern ng RHU ng Barangay. Ipinangako ng alkalde na magbibigay siya ng Floor Standing Air Conditioner mula sa Bobslor Pacquiao Foundation para sa Storage Room ng kanilang mga gamot.
Tinugunan din ng alkalde ang concerns ng ilang Purok tulad ng computer para sa ALS Learning Center na pangako niyang ibibigay next week.
Isa-isa ring tinugunan ng alkalde ang mga concerns hinggil sa lamesa at upuan para sa Day Care Center, pailaw, drainage, anim na classrooms para sa mga eskwelahan, at renovation ng Baluan Gymnasium.
Ibinahagi rin ng alkalde ang mga ongoing projects ng lungsod tulad ng nasa Oval Plaza Grounds, Dr. Jorge P. Royeca City Hospital, at ang nalalapit na renovation ng General Santos City Hall.
Sa ngayon ay tinatayang nasa 600 million pesos na ang budget na ipinagkaloob sa General Santos City na nagmula sa tanggapan ng Senado at Congress dahil sa inisyatiba ni Mayor Pacquiao.
Nakatanggap din ng isang sakong bigas ang mga Purok Chairpersons mula sa alkalde.
Naroon din sa Mayor's Hour sina Punong Barangay ng Baluan, Hon. Armando Diamante, kasama ang ilang mga Barangay Kagawad, DepEd Teachers, mga kawani mula sa PDEA, Gensan Water District, GSCPO, CENRO, at Executive Assistant Alvin Veneracion.
Photos: Denn Jib Seblos

Follow me!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *