TINGNAN | Iprinesenta ng Task Force Gensan sa pangunguna ni Col. Ruben G. Aquino kay Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao ang isang binatang surrenderer

GENERAL SANTOS CITY, Philippines — Pinasalamatan ng alkalde ang binata sa kanyang desisyon at pinangakong tutulungan siya ng gobyerno sa lahat ng pangangailangan nito.

Nai-turnover din sa surrenderer ang 10,000 pesos na cash assistance.
Ipinahayag ng alkalde na mayroon pa itong ibibigay na karagdagang tulong mula sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa tulong ng 1Pacman Partylist at sa tulong ng DOLE ay nais niya ring mabigyan ito ng livelihood assistance.
Maging ang kaanak ng binata ay tutulungan din ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng scholarship.
Hinikayat din ng alkalde ang binata na ipagpatuloy ang pagbabago at paggawa ng mabubuting gawain dahil hindi pa huli ang lahat para magbalik-loob patungo sa magandang kinabukasan para sa kanyang sarili at maging sa kanyang pamilya.
Sa ngayon ang binata ay nasa ilalim ng kustodiya ng Task Force Gensan.
Naroon din ang mga kawani ng CSWDO sa pangunguna ni Department Head Genelene Vidanes, RSW at Executive Assistant Atty. Nikki Catolico.
Photos: Denn Jib Seblos

Follow me!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *