Malugod na tinanggap at binati ni Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao ang mga participants at panauhin sa pagsisimula ng ika-18 Philippine Association of Local Government Accountants (PhALGA) Annual National Conference na ginanap sa KCC Mall Convention Center nitong lungsod.

Ang PhALGA Annual National Conference ay isa sa pinakamahalagang kaganapan para sa mga Government Accountants, nagbibigay ito ng daan para sa propesyonal na paglago at pag-unlad ng mga Accountants sa pamamagitan ng pagtalakay ng mga nauugnay at napapanahong paksa.
Isa-isang kinilala ang mga President ng mga LGA Associations mula Luzon, Visayas, at Mindanao, mga Council of Advisers, Board of Trustees, at mga mahahalagang panauhin na sina Gensan City Mayor Lorelie G. Pacquiao, Mayor Vic Paul Salarda, MPA ng Alabel, Sarangani Province, PRC Board of Accountancy (BOA) Chairman Mr. Noe QuiƱanola, CPA, PRC-CPD Council for Accountancy Member Mr. Ferdinand Rodriguez, at Commission on Audit (COA) Commissioner Roland Pondoc.
Naantig naman ang mga participant sa mensahe ni Mayor Pacquiao na nagbibigay pagpapahalaga sa kanilang propesyon sa kani-kanilang lokal na pamahalaan. Nagpasalamat din ang alkalde na pinili ang General Santos City bilang venue ng kanilang National Conference.
Dagdag pa niya malaki ang papel ng mga Accountant sa pagbibigay ng napapanahong desisyon na makabubuti sa komunidad. Hangad niya rin na pagtibayin pa ng bawat isa ang relasyon sa kanilang career dahil ito ay mahalaga sa paghahatid ng mabilis at mahusay na serbisyo bilang mga lingkod-bayan.
Ginawaran naman si Mayor Pacquiao ng Certificate of Appreciation bilang pasasalamat sa kanyang ipinakitang suporta sa PhALGA Annual National Conference ngayong taon.
Sa raffle ay nag-sponsor si Mayor Pacquiao ng 50,000 pesos kung saan limang tao ang makakatanggap ng tig-10,000 pesos.
Ang PhALGA Annual National Conference ay gaganapin hanggang sa Biyernes, May 26 nitong taon.
Photos: Denn Jib Seblos

Follow me!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *