TINGNAN | Pamilya ng mga trabahante ng isang fishing company dumulog kay Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao dahil hindi pa umano nasusweldohan ang kanilang mga kaanak.

Kasama sina Councilor Odjok Acharon, Councilor Richard Atendido, Chief of Staff Atty. Hajji Herrera, at HRMDO Head Atty. Rosendo Roque pinag-usapan kung ano ang karapatan nila bilang empleyado at anu-ano ang mga hakbang nilang gagawin para masolusyonan ito.
Napag-usapan din ang kalagayan ng mga trabahante na natengga sa Papua New Guinea.
Isinaad ni Mayor Pacquiao na ipinaalam na niya sa DOLE ang kanilang sitwasyon at nakatakda silang bigyan ng cash assistance para matulungang magsimula ng livelihood.
Namahagi rin ang alkalde ng isang sakong bigas para sa 21 pamilyang naroon.
Tiniyak rin ni Mayor Pacquiao na hinding-hindi niya pababayaan ang mga pamilya at sisikapin niya sa abot ng kanyang makakaya na sila'y matulungan tungo sa mga programa ng lokal na pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *