TINGNAN | Bumisita ang mga kawani mula sa Task Force Gensan kay Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao upang magbigay ng Token of Appreciation sa suportang pinapakita ng alkalde sa kanila.

Nag-request naman si Mayor Pacquiao ng karagdagang personnel mula sa Task Force Gensan para bantayan ang Plaza Heneral at ilan pang matataong lugar para sa karagdagang seguridad ng lungsod lalung-lalo na sa gabi.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng alkalde sa GSCPO upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng siyudad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *