Nag-courtesy visit kay Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao si Regional Director Raylindo S. Aniñon mula sa Office of Civil Defense XII

Ito ay upang personal na magpasalamat sa lokal na pamahalaan sa paglalaan nito ng lugar sa pagpapatayo ng kanilang opisina.
Sa ngayon ay ongoing ang construction ng OCD XII Operations Center sa Barangay Buayan nitong lungsod.
Inimbitahan din ni RD Aniñon si Mayor Pacquiao sa kanilang gaganaping Inauguration para sa bagong building sa oras na matapos ito.
Tiniyak naman ng alkalde kay RD Aniñon na ang mga kawani ng lokal na pamahalaan lalo na ang kanyang opisina ay nakahandang makipagtulungan sa OCD sa anumang concerns nila.
Naroon din sina City Councilor Richard Atendido, City Administrator Shandee Llido Pestaño, Chief of Staff Atty. Hajji Herrera, at Executive Assistant Atty. Nikki Catolico.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *