General Santos City bilang Overall Champion sa 2023 SRAA Meet na ginanap sa Kidapawan City

Sa pagkakapanalo ng General Santos City bilang Overall Champion sa 2023 SRAA Meet na ginanap sa Kidapawan City , nakatanggap ng cash incentive mula kay Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao ang mga Gensan athlete na nagkamit ng Gold, Silver, at Bronze Medal noong, April 29, 2023 sa Oval Gymnasium.
Ang pondong ipinamahagi sa mga atleta ay mula sa Special Education Fund (SEF).
Pansamantala munang ginamit ang pera ni Mayor Pacquiao mula sa kanyang sariling bulsa na nagkakahalaga sa mahigit 2 million pesos para agad na matanggap ng mga atleta ang kanilang cash incentives.
"Pasalamat ko sa tanan tanan nga naningkamot hilabi na gyud sa atong mga kabataan. Congratulations sa inyohang tanan, ato gyud nga gipakita nga tinuod gyud nga ang General Santos Home of the Champions... gikan sa akong kasing-kasing kauban ang mga opisyales sa atong syudad, sa mga kabataan, ginikanan, DepEd family,
hilabi na sa atong mga coaches, daghang salamat sa paghatag ug dungog sa atong pinalanggang syudad sa General Santos," ayon sa mensahe ni Mayor Pacquiao.
Ipinaalam din ni Mayor Pacquiao na bukod sa cash incentive na mula sa SEF, mayroon pang karagdagang matatanggap ang mga atleta mula sa pondo ng LGU base sa existing ordinance ni Former Congressman Bobby Pacquiao noong siya ay umupo bilang konsehal sa lungsod.
Samantala, siniguro naman ng alkalde na ngayon palang ay sisimulan na ng LGU ang paghahanda bilang host sa 2024 SRAA Meet.
Hinirang na Gold Medalist Topnotcher ang Gymnasts na si Rocheann Miel Antonio na nagkamit ng anim (6) na gold medals.
Nagbigay din si Mayor Pacquiao ng karagdagang 3,000 pesos para sa silver medalist na atletang nagka-injury.
Nagpasalamat naman si Schools Division Superintendent (SDS) Isagani V. Dela Cruz, CESO V sa lokal na pamahalaan ng General Santos sa walang humpay na suportang ipinakita nito sa mga manlalaro.
Naroon din sina Councilor Richard Atendido at Councilor Odjok Acharon na nagbigay ng mensahe na naghihikayat sa mga atletang pasalamatan ang kanilang mga magulang sa suportang ipinakita sa 2023 SRAA Meet.
Narito ang halaga ng bawat medalyang natanggap ng mga atleta:
Regular Sports
Gold: PHP 5,000
Silver: PHP 3,000
Bronze: PHP 2,000
Paragames and Demo Sports
Gold: PHP 3,000
Silver: PHP 2,000
Bronze: PHP 1,000
video by Jan rey Libunao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *