TINGNAN | Malugod na tinanggap ng lokal na pamahalaan ng General Santos City ang Deed of Donation sa pamamagitan ng isang Ceremonial Turnover sa Famin Village Phase 3, Purok 13 Panaghiusa, Barangay Mabuhay nitong lungsod.

GENERAL SANTOS CITY, Philippines — Ang Deed of Donation ay naisakatuparan tungo sa tulong ng KPS Foundation, Inc. para sa pagpapatayo ng kalsada at covered court sa lugar.

Ito ay tinanggap ni Executive Assistant Joey John Concepcion bilang representante ni Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao.

Sa mensahe ni Mr. Rodolfo Dewara, Program Director at Corporate Secretary ng KPS Foundation kanyang pinasalamatan ang Punong Barangay ng Mabuhay na si Hon. Ana Marie Boga at si Mayor Pacquiao dahil sa tulong na matatanggap ng nasabing lugar.
Ayon kay Dewara ay talagang ipinatupad ni Mayor Pacquiao ang Local Government Code tungo sa paghahatid ng mga serbisyo sa mga tao kabilang ang pagpapaunlad ng mga kalsada at iba pang proyektong pang-imprastraktura. Isa umano ito sa pagpapakita na ang lokal na pamahalaan ay may malasakit sa lungsod.
Sa mensahe naman ni EA Concepcion kanyang ipinahayag na hahanapan ni Mayor Pacquiao ng paraan upang mapaunlad ang kanilang lugar.
Kapansin-pansin naman ang kasuotan ng mga miyembro ng Famin Village Phase 3 Homeowner's Association, Inc. sa pangunguna ng kanilang Presidente na si Mr. Jun Rey Arbening na may linyang "Serbisyong Malinis, Pag-unlad ay Mabilis" na siyang prinsipyo ng tanggapan ni Mayor Lorelie Pacquiao.
Dumalo rin sa programa sina Mrs. Gelsa Pocdol, Home Owner's Association (HOA) Focal Person at President ng Urban Poor Alliance, Dr Alex Banguiran, Assistant Department Head ng CHLMO, Mr. Rogelio Funclara, Vice President ng KPSFI, at Hon. Darwin Gines, Barangay Mabuhay Kagawad.(Mickyla Maniago/Stephanie Montaño/ORM)
Photos: Denn Jib Seblos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *