TINGNAN | 11 mag-asawa ang nagpalitan ng kanilang wedding vows sa isang civil wedding na pinangunahan ni Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao

Pinayuhan ni Mayor Pacquiao ang mga mag-asawa na ilagay ang Diyos sa sentro ng kanilang relasyon. Namigay din ng regalo si Mayor Pacquiao sa bawat pares bilang pagbati sa kanilang pag-iisang dibdib.
Lubos ang pasasalamat ng mga ikinasal sa biyayang natanggap mula sa alkalde dahil malaking tulong na umano ito sa pagsisimula ng kanilang married life.
Ang naganap na civil wedding ay naisaayos sa tulong ng mga kawani mula sa Local Civil Registrar sa pamumuno ni LCR Department Head Nenita Ellivera.
Photos: Denn Jib Seblos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *