TINGNAN: Mga kabataan at grupo ng LGBTQ+ community, nagtipon sa patuloy na pag-arangkada ng Lingap, Gabay at Pag-asa (LGP) para sa Kabataang Heneral sa Barangay Fatima.

Kabalikat ang Police Station 7, Sangguniang Kabataan ng Brgy. Fatima at Barangay Officials, matagumpay na isinagawa ang LGP para sa Kabataang Heneral sa Purok 10A, Brgy. Fatima, General Santos nitong hapon lamang.
Nagsagawa ng feeding program activity, art workshop para sa mga batang may edad apat hanggang walong taong gulang. Nabigyan din sila ng mga tsinelas handog ni Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao.
Isinagawa naman ang isang symposum para sa mga kabataan. Hinimok naman ni PCMS Olficino Paderes, Jr. ng Police Station 7 ang mga kabataan na makilahok sa mga aktibidad ng barangay at umiwas sa anumang bisyong nakakasama sa katawan.
Nagbigay rin ng mensahe ng suporta at pasasalamat sina Brgy. Kagawad Ryde Petaca, Brgy. Kagawad Orlando Alboroto, at SK Chairperson Glyza Hervias sa isinagawang programa.
Inaasahan namang patuloy na mag-iikot ang grupo ng YADO sa iba pang barangay sa Gensan upang mas mailapit ang nasabing programa sa mga kabataang Heneral anuman ang kanilang antas sa buhay.
Writer: Chikoy P.
Photos:
Chikoy P.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *