Medical mission, isinagawa sa Purok PI 16 City Heights
City Heights, GSC - Muling nagsagawa ang BobsLor Pacquiao Foundation ng libreng serbisyong medikal para sa mga residente ng PI 16, Brgy. City Heights.
Gaya ng inasahan, dinagsa ng mga residente ang medical mission na nagsilbing 'post fiesta celebration' ng komunidad. Ito ay sa kahilingan na rin ng mga residente doon.
Tinatayang aabot sa bilang na liman-daang mga residente ang naging benepisyaryo nito.Kalakip sa serbisyong medikal ang libreng eye-check up at reading eye glasses.
Malaki naman ang pasasalamat ni Roger Salandron, Purok Chairperson ng PI 16 sa pagpapatuloy na programang ito na handog nina Mayor Lorelie G. Pacquiao at FG Alberto D. Pacquiao kaagapay ang 1Pacman Partylist.
Writer: Chikoy Pasco