Serbisyong Heneral sa Barangay Katangawan

"Sa akong serbisyo, kamo ang priority sa akong kasing-kasing. Bisag unsa pa ninyo kalayo, adtoan tamo para ipaabot ang tinud-anay nga serbisyo, para sa katawhan sa General Santos. Salamat sa inyo, akong ginasiguro kaninyo nga inyohang salig nga gihatag sa akoa, dili nako pakyason".
Ito ang ipinahayag ni Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao sa kanyang pagdalo sa ginanap na Serbisyong Heneral sa Barangay Katangawan, ngayong araw, ika-23 ng Marso 2023.
Sa naganap naman na Mayor's Hour, kasama sina Former Congressman Bobby Pacquiao at City Councilor Odjok Acharon ay masusing pinakinggan ni Mayor Pacquiao ang mga hinaing mg 35 Purok Chairpersons ng Barangay Katangawan.
Mula nang magsimula ang Serbisyong Heneral, walang pinalampas si Mayor Pacquiao na Mayor's Hour sapagkat naniniwala siyang isa ito sa mga paraan upang malaman ang mga problema na kinakaharap ng bawat barangay.
Isa sa mga layunin ng alkalde ay ang masolusyonan ang problema sa street lights para mabigyang liwanag ang mga kalsada sa lungsod.
Siniguro rin ng alkalde na maibibigay ng lokal na pamahalaan ang mga request ng bawat Purok katuwang ang Bobslor Pacquiao Foundation.
Masaya namang inanunsyo ni Mayor Pacquiao ang proyektong Solar Water System para sa Purok 10A na may pondong 10 million pesos.
Sa mensahe naman ni Former Congressman Bobby Pacquiao ipinahayag niya ang kanyang suporta sa kay Mayor Pacquiao at nakahanda ang 1Pacman Partylist at Bobslor Pacquiao Foundation na umalalay sa mga plano at proyekto ng alkalde. Pinasalamatan niya rin ang publiko sa suportang ipinapakita nila sa pamilya Pacquiao.
Bawat isa sa mga Purok Chairperson ay makakatanggap ng tig-25 kilos na bigas na hatid ng Bobslor Pacquiao Foundation.
Photos: Denn Jib Seblos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *