Pinasinayaan ni Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao ang Launching ng Batch Request Entry Query System o BREQS ng Local Civil Registrar Office,

Ikinagalak ni Mrs. Nenita Ellivera Department Head ng LCR ang pagdalo ni Mayor Pacquiao sa aktibidad.
Sa kanyang mensahe, binati niya ang LCRO sa pagbubukas ng kanilang BREQS at pinasalamatan ang departamento sa taos-puso nilang pagserbisyo kung saan limang taon na silang hinirang na Top Performing LCR sa buong bansa.
Nag-alok din ng tulong ang alkalde para sa pagpapabuti at pagpapaayos ng gusali para sa LCR, sa pamamagitan ng suporta mula sa mga kontak sa senado at kongreso.
Ang BREQS ay isang PSA Documents Processing Center kung saan pinapahintulutan ng PSA ang kanilang partner na tumanggap ng mga request at magrelease ng mga kopyang inisyu ng PSA tulad ng Birth Certificate, Marriage Certificate, Certificate of No Marriage, at Death Certificate.
Ang mga residente ay hindi na kailangang bumiyahe pa sa malalayong PSA Civil Registry System Outlet para humiling ng Civil Registry Documents (CRDs). Maaari na silang direktang maghain ng kanilang mga aplikasyon sa LCRO.
Tungo sa BREQS, mas mapapalawak ng LCRO ang mga serbisyo nito sa mga kliyente dahil sa mga bagong serbisyong maihahatid nito.
Naroon din sa programa sina Vice Mayor Rosalita Nuñez, City Councilors Odjok Acharon, Hon. Dominador Lagare Jr., at Hon. Kan Balleque at si Mr. Ismael Ramos, Jr. Chief Statistical Specialist ng Sarangani PSA.
Photos: Denn Jib Seblos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *