Personal na pinuntahan ni Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao kasama sina City Administrator Shandee Llido-Pestaño at Kag. Jerry Jugarap ang Purok Guardians Hill, Barangay Bawing upersonal pang makapagbigay ng solusyon sa problema nila sa tubig sa kadahilanang nasira ang privately owned water system sa kanilang lugar.

Dahil dito ay naisipan ni Mayor Pacquiao na magpadala ng mga bombero at tubig sa lugar. Maging ang mga private companies ay tumulong din upang magkatubig ang Guardian Hills habang hindi pa dumadating ang kanilang water pump.
Dali-dali namang rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) at tinulungan ang tinatayang 700 families na magkaroon ng tubig tungo sa paggamit ng Fire Truck.
Dahil rin sa inisyatiba ni Mayor Pacquiao na tawagan ang mga Kapitan ng Barangay Calumpang at Barangay Labangal nagkaroon ng karagdagang Fire Trucks at mas napabilis ang pamamahagi ng tubig sa mga residente sa nasabing lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *