Nagtipon ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng General Santos City upang mag-alay ng misa sa pagdiriwang ng kapistahan ng Senior Sto. Niño.

Ito ay naisagawa dahil sa inisyatiba ng City Mayor's Office sa pamumuno ni Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao sa tulong ng Human Resources Management and Development Office (HRMDO) sa pamumuno ni Atty. Rosendo Roque.
Ang ginanap na Thanksgiving Mass ay pinangunahan ni Rev. Fr. Julito Villarente, CP.
Sa mensahe ni Mayor Pacquiao, pinasalamatan ng alkalde ang Mass Presider, mga Department Heads, Assistant Department Heads, at lahat ng empleyadong dumalo sa misa.
Mayroon ding inihandang salu-salo si Mayor Pacquiao at imbitado ang lahat ng empleyado sa City Hall.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng misa sa General Santos City Hall upang ipagdiwang ang kapistahan ng Senior Sto. Niño
Photos: Denn Jib Seblos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *