P5M na covered court, naiturnover na sa Purok 6 Barangay Tinagacan

Nagtipon ang mga residente ng Purok 6 Lower Labay sa Barangay Tinagacan para tunghayan ang turnover ng bago nilang covered court na nagkakahalagang 5 milyon noong Enero 17, 2023.
Ang proyekto ay napaglaanan ng pondo dahil sa inisyatiba nina City Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao at Former Congressman Alberto "Bobby" D. Pacquiao sa pakikipagtulungan nila kina Former Senator Manny Pacquiao at Cong. Mikee Romero ng 1Pacman Partylist.
Nasiyahan ang mga purok officials at residente ng Purok 6 lalung-lalo na ang mga kabataan dahil mayroon na silang covered court na magagamit sa kanilang mga aktibidad.
Tuwang-tuwa rin sila sa inanunsyo ni Mayor Pacquiao na babalik umano siya sa kanilang lugar upang mamahagi ng bigas sa mga residente roon. Isinaad niya ring magsasagawa ng Medical and Dental Mission para sa kanila hatid ng Bobslor Pacquiao Foundation, Inc.
Lubos rin ang pasasalamat ni Barangay Tinagacan Captain Hon. Jeoffrey Salanio sa lahat ng naitulong ng pamilya Pacquiao sa kanilang barangay.
Hindi lamang ito ang proyekto ng alkalde sa nasabing Barangay, marami pang inilaan ang kanyang tanggapan tulad ng road concreting at multi-purpose building.
Pinangunahan ni Mayor Lorelie Pacquiao at Former Congressman Bobby Pacquiao ang ribbon-cutting kasama sina Hon. Salanio, mga miyembro ng Barangay Council, at DPWH, simbolo ng opisyal na pag turnover ng covered court sa Brgy. Tinagacan.
Photos: Denn Jib Seblos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *