Bumisita ang mga opisyales at miyembro ng General Santos Food and Beverage Association (GFBA) kay Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao, ngayong araw, Enero 13, 2023 sa Mayor's Mini Conference Room.

Layunin ng GFBA na mas makilala ang lungsod bilang food hub hindi lamang sa SOCSKSARGEN kung hindi pati na rin sa buong Mindanao.
Tiniyak naman ni Mayor Pacquiao ang grupo na ang lokal na pamahalaan ay handang sumuporta at tumulong sa anumang gagawing aktibidad ng grupo. Isinaad niya ring bukas ang kanyang opisina upang makinig sa kung anumang concerns nila.
Nagpasalamat ang grupo sa alkalde at ipinahayag na sabik na silang makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan lalo na sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Lorelie Pacquiao.
Inaanyayahan ng grupo ang mga owners/operators ng mga restaurants, bars, coffee shop, at fast food sa lungsod na sumali sa kanilang Association. Napag-usapan din nila sa pagpupulong ang kanilang gaganaping oath-taking.
Photos: Denn Jib Seblos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *