Bumisita ang mga DARE Officers kasama si DARE Philippines Gensan Chapter President Rev. Efren C Reyes at Chief of Regional Staff PCOL Arnold Santiago kay Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao sa City Mayor's Mini Conference Room.
Sa pagpupulong kanilang tinalakay ang DARE Program. Ang DARE Program o Drug Abuse Resistance Education Program ay programa na nagbibigay sa mga kabataan ng kaalaman upang maiwasan ang kanilang pagkakasangkot sa drugs, gangs at karahasan.
Nagpahayag naman si Mayor Pacquiao ng suporta sa mga programa at tiniyak na makikipagtulungan ang lokal na pamahalaan para tagumpay na maisagawa ang programang ito.
Photos: Denn Jib Seblos