Department of Labor and Employment (DOLE) XII RD Raymundo Agravante at Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao nag-turnover ng livelihood assistance sa Gensan Fishport Topdown Drivers Marketing Cooperative.

1,000 sacks of salt, 600 Styro Foam, at 2,000 bundle ng fish cellophane na may kabuuang halaga na P757,000 ang nai-turnover sa nasabing kooperatiba.

Ito ay bahagi ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).

Pinangunahan ni Mayor Pacquiao kasama sina RD Agravante, DOLE-GSC Head Domingo Baron, at Engr. Jun Superticioso - Port Manager ng PFDA General Santos City ang pamamahagi ng livelihood assistance sa 81 members ng kooperatiba.

Sa mensahe ni Mayor Pacquiao sinabi niyang patuloy siyang magseserbisyo upang makatulong sa publiko at bukas ang kanyang opisina sa lahat ng nangangailangan.

"Dili ko moundang. Dili ko kapoyon mangitag paagi para matabangan ang mga katawhan labi na diri sa Fish Port.

Congratulations sa inyong tanan. Ayaw kamo kaulaw nga moduol sa akong opisina, kay akong opisina abre para sa katawhan sa General Santos", ayon sa alkalde.

Maliban sa livelihood assistance ay mayroon ding natanggap na GSIS Insurance ang mga miyembro mula sa DOLE at plano rin nilang madagdagan ang natanggap na assistance tungo sa TUPAD Program.

Photos: Denn Jib Seblos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *