86 residente ng Purok Cabu, Barangay Bawing ang tumanggap ng kanilang Certificate ngayong araw, Enero 11, 2023 bilang beneficiaries ng "Liwanag Galing sa Puso" na inisyatiba ni Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao.
Ang Liwanag Galing sa Puso ay alinsunod sa Executive Order No. 8, Series of 2022 na naglalayong makapagbigay ng pailaw sa mga mahihirap lalo na sa mga nasa malalayong lugar sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa SOCOTECO.
Tuwang-tuwa ang mga residente sa pagdating ni Mayor Pacquiao dahil sa kabila ng layo, ay binisita ng alkalde ang kanilang lugar.
Malugod na tinanggap si Mayor Pacquiao ni Datu Rashed Palalisan Dalagan, ang Datu sa Bawing ng Suguda, Buayan.
Nangako naman si Mayor Pacquiao na ang susunod na proyekto para sa kanilang lugar ay pagkakaroon ng water system.
"Isip inahan sa siyudad, dili na ni panibago sa akoa ang pagtabang sa katawhan... mangita pa mig pamaagi kung unsa pa ang matabang dinhi sa inyong barangay hilabi na sa panginahanglan ninyo sa tubig," ayon sa alkalde.
Lubos ang pasasalamat ni Hon. Jerry Jugarap, Kagawad ng Brgy. Bawing kay Mayor Pacquiao dahil napagkalooban ng kuryente ang mga residente roon.
"Kami nagpasalamat sa initiative ni Mayor. Dili lang kay tungod aning programa kundi sa pag adto niya diri para makita ang sitwasyon kung unsa pa ang gikinahanglan nato diri. Dako kaayo ning tabang sa mga residente," ayon kay Hon. Jugarap.
Nakatanggap din ng bigas ang bawat benificiary mula sa Bobslor Pacquiao Foundation.
Naroon din sa programa ang mga kawani ng City Housing and Land Management Office (CHLMO) sa pangunguna ni Assistant Department Head Dr. Alex Banguiran.
Photos: Denn Jib Seblos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *