Pormal na ini-turnover ni Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao ang tatlong Solar Lights para sa Barangay Conel

Ang mga Solar Lights ay mula sa Bobslor Pacquiao Foundation, Inc. sa pangunguna ni Former Congressman Bobby Pacquiao. Lubos ang pasasalamat ni Barangay Kagawad Jose Paler sa mga natanggap na ilaw.
Ito ay nakatakdang ilagay sa sementeryo at paaralan. Nangako naman si Mayor Pacquiao na inisyal lamang na tulong ang kanilang natanggap at mayroon pa umanong karagdagang solar lights para sa nasabing barangay.
Photos: Denn Jib Seblos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *