Sa pinakaunang Flag Raising Ceremony ng LGU employees ngayong taon ay maligayang iprenesenta ng Strategic Performance Management and Compliance Office (SPMCO) kasama si Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao ang 7 million incentive na natanggap mula sa DILG.

Ang 7 million incentive ay natanggap ng lungsod sa pagkakasungkit nito ng Seal of Good Local Governance (SGLG) 2022 na iginawad noong Disyembre 15, 2022. Ang halagang ito ay gagamitin bilang pondo sa mga planong proyekto sa lungsod.
Kinilala rin ang mga kabataang nakipagkumpitensya sa Batang Pinoy 2022 National Championships kung saan ang General Santos City ay nanalong 8th Place sa 112 lungsod na nakilahok.
Nasungkit ng Gensan ang 13 gold, 12 silver, at 11 bronze medals sa parehong face-to-face at virtual competitions.
Kasama rin sa mga kinilala si IBF Bantamweight Title Eliminator Winner at WBO Intercontinental Bantamweight Champion na si Vincent Diazen Astrolabio na tinalo ang Russian Bantamweight Contender na si Nikolai Potapov sa laban nila noong Disyembre 18, 2022 sa Las Vegas.
Binati ni Mayor Lorelie Pacquiao ang mga atleta at pinasalamatan ang mga ito sa pagdadala ng karangalan sa lungsod ng General Santos.
Ipinakilala rin ng Dr. Jorge P. Royeca City Hospital (DJPRCH) sa pangunguna ni Dr. Ryan Aplicador ang kanilang mga bagong Doctor, Nurse, at iba pang mga staff at pinasalamatan ang mga ito sa kanilang patuloy na pag serbisyo sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *