Sa isang makahulugang pag-uusap nina Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao, Congressman Loreto Acharon, at Former Congressman Bobby Pacquiao kina Senator Risa Hontiveros at Mrs. Kathryna Yu-Pimentel, na kumatawan kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, nakakuha sila ng suporta na nagkakahalagang PHP 150 million na gagamitin para sa mga itatayong proyekto dito sa lungsod ng General Santos.

Tuwang-tuwang ipinahayag ni Mayor Pacquiao ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga mambabatas dahil sa pagsuporta ng mga ito lalo na sa infrastracture projects ng siyudad.
"Dako atong pagpasalamat kay adunay mga tawo nga gigamit sa Ginoo nga instrumento para mapadayon ang mga proyekto para sa kaayohan sa mga katawhan sa Genersal Santos," ayon kay Mayor Pacquiao.
Ang PHP 150 million ay pondong ilalaan para sa Dr. Jorge P. Royeca City Hospital (DJPRCH) upang mas mapaganda ang pasilidad nito at mapahusay pa ang serbisyong hinahatid sa mga nangangailangan.
Photos: Denn Jib Seblos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *