Honorable City Mayor Lorelie Geronimo-Pacquiao delivers the State of the Children’s Address of General Santos City during the celebration of this year’s National Children’s Week. The said event follows the theme “Kalusugan, Kaisipan, at Kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan,” and is organized by the City Social Welfare Development Office (CSWDO).

Alinsunod sa pagdiriwang ng National Children's Month na may temang: "Kalusugan, Kasipagan, at Kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan", naghatid ng State of the Local Children's Report si General Santos City Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao kung saan iprinesenta niya ang mga programa ng lokal na pamahalaan para sa kapakanan ng mga bata.
Pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pangunguna ng kanilang Department Head Genelene Vidanes ang aktibidad. Ito ay naglalayong madagdagan ang kaalaman ng publiko sa mga hakbang na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga bata.
Ipinahayag ni Mayor Pacquiao ang mga programa ng lokal na pamahalaan ukol sa seguridad, edukasyon, at kalusugan ng mga bata lalung-lalo na sa kanilang mental health.
Nangako ang alkalde na sa tulong ng iba't-ibang opisina ng LGU ay patuloy siyang maghahanap ng paraan upang mas mapabuti ang pamumuhay ng mga kabataan sa lungsod.
"Bilang ina ng lungsod na ito, makakasiguro kayong buo ang aking suporta pagdating sa mga programa at aktibidad tungo sa pagpapabuti ng kapakanan ng ating kabataan. Kaagapay ko ang buong local government unit sa layuning ito, at pangako kong gagawin ko ang aking makakaya upang mabigyan pa ng mas mabuting pamumuhay ang kabataan ng lungsod ng Heneral Santos," ayon kay Mayor Pacquiao.
Maliban sa mga kabataan ay dumalo rin sa programa ang mga Kapitan mula sa iba't-ibang barangay sa lungsod.
Pinangunahan din ni Mayor Pacquiao ang pagbibigay ng parangal sa 2021 Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) Functionality.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *