Mayor Pacquiao dumalo sa Serbisyong Heneral

Dumalo si Mayor Lorelie Geronimo - Pacquiao sa Serbisyong Heneral na ginanap sa Barangay City Heights, ngayong araw, Nobyembre 18, 2022.
Layunin ng Serbisyong Heneral na dalhin ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan sa komunidad.
Ito ay pinangasiwaan ng City Mayor's Office - Integrated Barangay Affairs (CMO-IBA) na pinangunahan ni Mr. Leonardo Betonio Division Chief ng CMO-IBA.
Magiliw na nakihalubilo ang alkalde sa mga residente ng Brgy. City Heights at namahagi ng grocery package at bigas sa mga senior citizens tungo sa tulong ng Office of the Senior Citizens' Affairs (OSCA). Nangako rin ang alkalde na siya ay mamamahagi ng "Pamaskong Handog" sa mga senior citizens at Purok Chairpersons sa darating na Disyembre.
Sa Mayor's Hour ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga Purok Chairpersons tungo sa kanilang Purok Federation President na mapakinggan ang kanilang hinaing upang mabigyan ng agarang aksyon. Nakatanggap din ng isang sakong bigas ang mga Purok Chairpersons mula sa alkalde.
Sa kanyang mensahe ay binigyang-diin ng alkalde na patuloy niyang bibigyan ng prayoridad ang ikabubuti ng publiko.
"Ako bilang Mayor, mangita ug pamaagi para mapadayon ang gusto nato mahitabo nga makaayo sa mga katawhan sa Gensan. Naa ko dinhi gisaligan ninyo nga magdumala sa siyudad, priority nako ang mga katawhan. Akong gipanumpaan sa Ginoo nga mo-commit ug magserbisyo kaninyong tanan," ayon kay Mayor Pacquiao.
Nagbigay naman ng mensahe ng pasasalamat kay Mayor Pacquiao si Hon. Ritchie Matutina, Punong Barangay ng City Heights dahil sa kanilang renovated na covered court tungo sa inisyatiba ni Mayor Pacquiao at sa tulong na rin nina Former Congressman Bobby Pacquiao, Former Senator Manny Pacquiao, at 1Pacman Partylist Representative Mikee Romero.
Maliban sa covered court ay patuloy ang construction ng kanilang Multi-Purpose Building at may pondo ring 5 million na inilaan ang tanggapan ni Congressman Loreto Acharon sa Brgy. City Heights para sa pagpapasemento ng kanilang kalsada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *