Ipinagdiwang ng City Mayor's Office-Integrated Barangay Affairs (CMO-IBA) kasama ang City Engineering Office (CEO) at City Health Office (CHO), Office of the Building Official (OBO), United States Agency for International Development (USAID), at mga Rural Waterworks and Sanitation Associations (RWSA) ang RWSA Summit 2022

Ipinagdiwang ng City Mayor's Office-Integrated Barangay Affairs (CMO-IBA) kasama ang City Engineering Office (CEO) at City Health Office (CHO), Office of the Building Official (OBO), United States Agency for International Development (USAID), at mga Rural Waterworks and Sanitation Associations (RWSA) ang RWSA Summit 2022 na may temang "Conserving Water, Enhancing Quality, and Ensuring Environmental Sustainability".
Ang RWSA Summit ay naglalayong maisulong ang pamamahagi ng kaalaman at plataporma upang masiguro na may malinis na tubig ang bawat tahanan.
Ipinahayag ni Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao sa kanyang mensahe ang kanyang lubos na pasasalamat sa miyembro ng RWSA at siniguro sa mga ito na ang lokal na pamahalaan ay laging nakasuporta sa kanilang mga programa. Hiniling din ng alkalde na ipagpatuloy ang magandang relasyon ng bawat miyembro upang mas mapatagal pa ang kanilang asosasyon at patuloy na makapagbigay ng solusyon sa mga problema ukol sa patubigan sa kanilang barangay.
Mayroon din silang patimpalak katulad ng Retro Dance Competition, Photo Exhibit Competition, at Fashion Show Competition.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *