Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao dumalo sa Mass Induction Program ng Fatima National High School.

Nagtipon ang mga opisyal ng Parent-Teacher Association (PTA) at iba't-ibang club at organization officers ng Fatima National High School (FNHS) upang isagawa ang kanilang Mass Induction ngayong araw, Nobyembre 9, 2022 sa FNHS Gymnasium.
Bilang Inducting Officer, pinangunahan ni Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao ang oath-taking ng mga officers.
Ipinangako ng mga opisyal sa iba't-ibang organisasyon na kanilang ipagpapatuloy ang pagsisikap at adbokasiya para sa ikabubuti ng paaralan.
Labis na ikinatuwa ng mga magulang at mga mag-aaral ang pag-anunsyo ni Mayor Pacquiao na lokal na pamahalaan na ang magbabayad ng PTA fee.
Inanunsyo rin ng alkalde na magbibigay din ang lokal na pamahalaan ng lapel at laptop para sa mga guro at TV para sa bawat silid-aralan.
Naroon din ang mga kawani mula Department of Education at mga Barangay Officials kasama ang Punong Barangay ng Fatima Hon. Renante Curit upang saksihan ang seremonya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *