Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao nakiisa sa selebrasyon ng 65th Nurses Week Celebration at 100th Foundation Anniversary ng Philippine Nurses Association (PNA).

Sa mensahe ng alkade tiniyak nito sa mga pinuno at kawani ng Dr. Jorge P. Royeca City Hospital (DJPRH) na ang pagsuporta sa mga aktibidad at programa ng ospital ay ang kanyang pangunahing prayoridad para mapalawak nito ang mas mahusay na serbisyo sa publiko.
Bilang pasasalamat sa kanilang mga sakripisyo lalung-lalo na noong kasagsagan ng pandemya ay mayroong ipainamigay na bigas at pa-raffle na appliances ang alkalde sa mga nurses at staff.
Ikinatuwa ng mga nurse ang paghayag ni Mayor Pacquiao na bilang ina ng siyudad, siya ay gagawa ng paraan upang mabigyan sila ng bonus.
Pinangunahan naman nina Mayor Pacquiao, Dr. Ryan Aplicador, at Chief Nurse Joann Ging D. Sienes ang pagbibigay sa mga nurse ng Certificate of Recognition.
Naroon din sa programa sina Dr. Ma. Socorro Santican at Dr. Bing Aquino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *