Mayor Lorelie Geronimo - Pacquiao dumalo sa State of the Barangay Address (SOBA) ni Ana Marie Boga, Punong Barangay ng Brgy. Mabuhay,

Bilang pagpapakita ng suporta, Mayor Lorelie Geronimo - Pacquiao dumalo sa State of the Barangay Address (SOBA) ni Ana Marie Boga, Punong Barangay ng Brgy. Mabuhay, ngayong araw ng Sabado Oktubre 29, 2022.
Matatandaang nakapag-turnover si Mayor Pacquiao ng Multi-Purpose Building sa Purok 11 at Purok 22, Brgy. Mabuhay sa tulong nina Former Congressman Bobby Pacquiao, Former Senator Manny Pacquiao, at 1Pacman Partylist Representative Congressman Mikee Romero.
Isinaad naman ni Mayor Pacquiao na hindi lamang ang mga ito ang kanyang inilaang proyekto para sa kanila, marami pang aasahan ang Brgy. Mabuhay sa loob ng kanyang termino.
Lubos ang pasasalamat ni Kapitan Boga sa alkalde dahil sa patuloy niyang pagsuporta sa kanyang pamumuno sa Barangay Mabuhay.
Maliban sa Brgy. Mabuhay ay nakatakdang dumalo si Mayor Pacquiao sa SOBA ng tatlo pang Barangay ngayong araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *