City Mayor Pacquiao nag-officiate ng civil wedding

City Mayor Pacquiao nag-officiate ng civil wedding
Pinangasiwaan ni City Mayor Lorelie Geronimo - Pacquiao ang kasal ng tatlong mag-asawa sa mini conference room ng City Mayor's Office ngayong araw, Oktubre 03, 2022. Ang mga ikinasal ay sina Reynante Agosto at Michelle Taleon, Cerelo Cagampan at Mhelden Tampus, at Joliben Paglinawan at Glaiza Pesquera. Matapos magpalitan ng wedding vows ay binati ni City Mayor Pacquiao ang mga bagong kasal. Namigay rin ang alkalde ng regalo sa mga mag-asawa upang magamit nila sa pagpasok sa bagong kabanata ng buhay o pagsisimula ng kanilang married life. Ang naganap na civil wedding ay naisaayos sa tulong ng mga kawani mula Local Civil Registrar ng lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *