Nilagdaan ni City Mayor Lorelie Geronimo - Pacquiao ang isang Memorandum of Agreement (MOA) kasama si G. Joeman V. Trono, Chairperson ng General Santos City Cooperative Federation (GENCOFED) nitong Oktubre 03, 2022, na ginanap sa City Mayor’s Office Mini-Conference.

Ang MOA signing ay para sa Cooperative Month 2022. Ito ay may 2 million na pondo galing sa lokal na pamahalaan.
Mayroong 168 na mga kalahok na kooperatiba na nagpapahayag ng suporta sa nasabing aktibidad.
Sa pagbubukas ng seremonya noong nakaraang Sabado, mahigit 1000 katao ang dumalo sa parada.
Kabilang sa kanilang mga kaganapan Cooperative Month ay ang trade fair and exhibit, mural painting, song writing competition at marami pang iba.
Sa mensahe ni City Mayor Pacquiao ay kanyang tiniyak sa GENCOFED na sila ay makakaasa ng buong suporta mula sa lokal na pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *