Natupad na ang matagal nang inaasam na water supply system ng mga residente ng Purok Fataldao, sa Barangay San Jose ng General Santos City.

Laking tuwa nila dahil sa halos 40 taon na sakripisyo at pahirapan sa pag-igib ng tubig, ngayon ay mapapadali na ang lahat.
Ngayong araw ng Linggo, September 25, 2022, pormal nang nai-turnover sa komunidad ang pasilidad na magbibigay ng tubig sa kanila.
Dalawang water reservoir ang itinayo; isa sa komunidad at isa naman sa paaralan sa Fataldao Elementary School.
Ang P5 million na proyektong ito ay inisyatiba ni FG Bobby Pacquiao at sa tulong ni Congressman Mikee Romero ng 1Pacman Partylist. Proyektong nagmula sa kaban ng bayan at ibinalik sa mamamayan.
Naging tulay naman si Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao para mabigyan ng pondo at matiyak na maisakatuparan ang proyektong ito. Kaya kasama ang alkalde sa turnover ceremony. Naroon din sa seremonya ang representante mula sa DPWH, mga opisyal ng Barangay, community elders at school principal.
Isa pa lang ito sa limang proyektong inilaan sa Barangay San Jose sa tulong at inisyatiba ng mga Pacquiao. Nasa P33 million ang kabuuang pondo ng mga proyekto at nakatakda na ring i-turnover ang iba pang mga proyekto sa susunod.
Nasa 350 hanggang 400 na pamilya ang makikinabang sa proyektong ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *