City Mayor Pacquiao dumalo sa Serbisyong Heneral

City Mayor Pacquiao dumalo sa Serbisyong Heneral
General Santos City Mayor Lorelie Geronimo - Pacquiao dumalo sa ikatlong Serbisyong Heneral ngayong taon na ginanap sa Barangay Labangal, ngayong araw, Setyembre 16, 2022.
Ang Serbisyong Heneral ay pinangasiwaan ng City Mayor's Office - Integrated Barangay Affairs (CMO-IBA) na pinangunahan ni Mr. Leonardo Betonio Division Chief ng CMO-IBA.
Layunin ng Serbisyong Heneral na dalhin ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan sa komunidad.
Ito ay isa sa mga prayoridad ni City Mayor Pacquiao para mas mapadali ang paghatid ng serbisyo sa mga nangangailangan.
Sa kanyang mensahe ay pinasalamatan ni City Mayor Pacquiao ang mga dumalo at mga partner ng lokal na pamahalaan upang maisakatuparan ang programa.
"Gapasalamat ko sa tanang katawhan sa Barangay Labangal. Pasalamat usab ta sa Serbisyong Heneral kay tanang serbisyo atong gipaduol dinhi sa Barangay Labangal. Salamat usab sa atong partner. Hinaot ko nga sa mga sunod nga activities sa LGU magpadayon ang gihapon atong partnership," saad ng alkalde.
Nagbigay rin ng pasasalamat sa pamilyang Pacquiao ang Kapitan ng Barangay Labangal na si Hon. Reynaldo Clapis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *